Unang kabanata: Panimula
A. Panukalang Pahayag
Ang pag-usbong ng independent film ay isa sa mga solusyon sa papabagsak na industriya ng pelikulang Pilipino.
B. Introduksyon
Mapapansing sa mga nagdraang taon, pakaunt
i na ng pakaunti ang pelikulang pinoprodyus ng mga production companies na nagreresulta sa unti-unting pagkamatay ng industriya ng pelikulang Pilipino.
Dahil nga sa likas na malikhain at maabilidad ang mga Pilipino at ang pag-usbong na rin ng mga abot- kayang camcorder ay nakagawa sila ng paraan upang isalba ang industriya. Ito ay sa pangalan ng Independent films- ang mga pelikulang ginawa ng mga malikhaing indibidwal may karanasan man o wala sa paggawa ng pelikula sa halip ng mga malalaking production companies.
Sa pag-usbong ng indie films, nagkaroon ng espasyo sa
sinehan angmga pelikulang Pilipino. Dahil nga sa makatotohanan ang mga indie film ay nabogyan ang ilan sa mga ito ng karangalan ng iba't- ibang award giving bodies. Sa kadahilanang ito, naisipan ng mga mananaliksik na piliin ang paksang "Ang Kontribusyon ng Independent Film sa Industriya ng Pelikulang Pilipino"
C. Rebyu o Pag-aaral
Mula noong 1970, mayroon nang mga independent filmmakers na umusbong maliban sa noong tinatawag na “the Big Four” na mga istudyong kinabibilangan ng Lebran, Premiere Productions, Sampaguita at LVN. Kaugnay ng pag-usbong ng mga indifilms, ang hindi pagsang-ayon ay umusbong sa mga kabataan dahil sa kanilang nararamdaman na may pangangailangan silang iparating sa mga nakakatanda na kanilang ipinakita sa pamamagitan ng nauusong “rock n’ roll” na tema ng musika. Ang pelikula, bilang kagamitan sa pagpapahwatig ng sarili, ay ginamit din upang magampanan ang nasabing pagrerebelde sa pamamagitan ng pagpapakilala ng bagong tema ng pelikula tulad ng “teen love team’ upang palitan ang mga makalumang tandem ng mga beteranong artista.
Noong 1977, isang hindi tanyag na filmmaker na nagngangalang Kidlat Tahimik, ang gumawa ng pelikula na pinamagatan niyang Perfumed Nightmare. Ito ay gumulat sa film industry lalo na nung nagkamit ito ng International Critic’s Prize sa Berlin Film Festival. Ang hakbang na ito na ginawa ni Kidlat Tahimik ay nagbuklod sa komersyal at alternatibong pelikula. Ang pondong ginamit ay nagmula mismo sa kanya at sa kanyang mga kaibigan. Sinuong niya ang peligrong kaakibat ng paggawa ng kahanga-hangang pagbabago sa Industriyang Pelikulang Pilipino, kung saan mas kailangang iparating sa mga manonood ang nilalaman ng isang pelikula kaysa sa kumita gamit ito. Mula noon, maraming kabataang filmmakers ang umanib kay Kidlat Tahimik para sa paggawa ng mga pelikula.
Ang Oliver ni Nick De Ocampo at ang Ang Magpakailanman ni Raymond Red na parehong pinalabas noong 1983 ay umangkin ng atensyon sa ibang bansa, isang ebidensya na ang bagong henerasyon ng Pilipinong Alternatibong pelikula ay malapit nang magsimula. Ang iba pang filmmakers na katulad nila ay nagpatuloy sa pananaliksik sa tunay na kahulugan ng pelikula na hindi lamang ito para sa paglilibang ngunit ito ay rin ay nagpapakita ng kaugnayan sa pagitan ng tao at sa kapaligiran nito.
Mula sa GMANEWS.TV, isinapubliko noong ika- 11 hanggang ika- 20 ng Hulyo ng taong 2008 ang sampung full length movies at sampung short film movies na maglalaban- laban sa ikaapat na edisyon ng Cinemalaya Philippines Independent Film Festival. Sa edisyon ng naturang kaganapan ay may temang "Anong Kwento Mo?" na nagsasabing ang mga PIlipino kahit saan ay may magagandang kwentong ibabahagi lalong lalo na ang mga independent film makers.
Sinasabi sa manilatimes.net na may kumpyansa ang pangulo ng Cinemalaya na si Nestor Jardin na mas marami pang independent films ang mabibigyan ng pagkilala ng iba't ibang award giving bodies sa sirkulasyon ng pelikula sa labas ng bansa.
Mula pa rin sa nasabing website, ang industriya ng pelikulang pilipino ay namamatay na dahil sa paglipas ng panahon, pakaunti na ng pakaunti ang pelikulang ginagawa ng mga production companies dito sa bansa.
Mula naman sa www.iht.com, sa isang column ni carlos Honde, sinasabing ang dahilan ng pagtigil sa paggawa ng ilang movie producers ay dahil sa hindi sila kumikita sa pagpo-prodyus ng mga ito.
Sinasabi na ang isang dahilan sa pagbagsak ng industriya ng pelikula ay ang pag- kaunti ng bilang ng mga nanonood dito. Masasabing ang Pilipinas ang may pinakamatarik na pagbaba ng mga manonood dahil sa pagitan lamang ng ilang taon ay dumami na ang ibinaba ng bilang ng mga manunud na nagpupunta sa mga sinehan.
D. Layunin
Layunin ng pananaliksik na ito na ipaalam ang umuusbong na industriya ng independent films at ang kanilang kontribusyon upang masolusyonan ang mga problemang hinaharap ngayon ng pelikulang pilipino.
E. Halaga
Sa pamamagitan ng pananaliksik na ito, maipapakita ang malaking ginagampanang papel ng mga independent films sa industriya ng pelikulang Pilipino. Sa pamamagitan din ng pananaliksik na ito, maipapakita na angindustriya sa bansa ay buhay pa. Isa pang halaga ng [ag-aaral na ito ay ang pagpapalam sa publiko na ang mga independent films na gawa sa bansa ay may ibubuga at kayang- kayang makipagsabayan sa mga pelikulang ginawa sa ibang bansa.
F. Konseptual na balangkas
G. Metodolohiya
Ang mga mananaliksik ay hahanap ng mga babasahin sa Internet at Library at ang mga datos na makakalap ay pag-aaralan. Bukad pa ditto, ang mga mananaliksi ay manunuod ng mga independent films at kanilang pag-aaralan ang mga tema ng mga ito.
H. Saklaw
Ang pananaliksik na ito ay sasaklaw lamang sa mga indie films sa Pilipinas mula 2005 hanggang; sa kanilang mga kontribusyon sa pamamagitan ng pagkuha ng pagkilala mula sa iba’t-ibang award giving bodies sa loob at labas ng bansa.
II. Ikalawang Kabanata: Katawan ng Pananaliksik
Panimula
Ang pananaliksik na ito ay tungkol sa industriya ng pelikulang pilipino. Tinatalakay dito ang kasaysayan ng industriya, ang pagtaas nito sa rurok ng tagumpay, ang unti- unting pagbagsakat angmuling pagbangon nito sa tulong ng independent films.
Mga Datos
Pelikulang Pilipino
Ang pelikulang Pilipino ay may mahigit 100 taon nang kasaysayan. Sa paniniyak, ang industriya ay ng pelikulang Pilipino ay nagsimula noong 1897. Ang pelikula pa noong araw ay hinahalaw sa mga paniniwala at pang- araw- araw na pamumuhay at paniniwala ng mga Pilipino. Bilang pagpapatunay ditto ay ang pagpapalabas ng pinak unang may tunog na pelikulang “Ang Aswang”
Ang ebolusyon ng pelikulang Pilipino ay nahahati sa anim na yugto; bago magdigmaan, panahon ng digmaan, dekada 50, dekada 60, dekada 80, dekda 90 at kasalukuyang panahon. Bawat yugto ng ebolusyon ng industriya ng pelikulang Pilipinoay amy kinalaman sa panahon. Ayon sa mga eksperto sa industriya, sinasabing ang dekada 50 ang pinakaunang ginituan panahon ng pelikulang Pilipino kung saan umabot ng 350 ang pelikulang naipalabas sa mga sinehan sa Pilipinas.
Sa paglipas ng panahon, patuloy pa rin sa paggawa ng pelikula ang mga production companies ngunit ang dami ay nalimitahan na dahil na rin sa iba’t- ibang salik. Sa pagkakaroon ng krisis sa ekonomiya ng Pilipinas, naapektuhan ang pelikulang Pilipino. Mangilan- ngilan na lamang ang nagnais na manuod ng sine dahil mas nakatuon na ang kanilang sa atensyon sa hanap buhay at trabaho. Sa pangyayaring ito, napilitan ang ilang production companies na magsara. Ang mga Production Companies na nagniningning noon tulad ng LVN Pictures, Sampaguita Pictures, Lebran International, Premiere ProductionsAng pagsasara ng huli ang nagbigay daan sa unti- unting pagbagsak ng industriya ng pelikulang Pilipino. Ang pagbagasak na ito ay nakita nang mula sa 350 pelikulang naipalabas noong dekada 50, 200 noong dekada 80, ay bumaba ito sa 56 noong 2006 at 30 noong 2007. Sa anggulo naman ng dami ng pumupunta sa sinehan, mula 131 milyon noong 1996, bumaba ito sa bilangng 63 million ng 2004.
Bagamat ganoon man ang nagging nagyari, may mga production companies pa rin sumsubok ibangon ang ningning ng industriya. Ilan sa mga ito ay ang Star Cinema, Viva Films, GMA Films, Regal films at marami pang iba.
Pagpasok ng Independent Films
Mula nang ilabas ang Ang Pagdadalaga ni Maximo Oliveros sa sinehan at makakuha ng karangalan mula sa iba’t- ibang pampelikulang paligsahan sa labas ng bansa, naenggananyo na rin gumawa ng pelikula ang iba pang nagnanais na maging local na director ng pelikula. Ilan rin sa mga sumunod pang mga independent films na ipnalabas ay humakot din ng parangal. Sa sunod- sunod na tagumpay ng mga naunang independent films na ipinalabas, lalo pang dumami ang mga independent films na ipinalabas noong taong 2007.
ito ang listahan ng ilan sa mga independent films:
100- Ito ay tungkol sa isandaang bagay na nais gawin ng isang babaeng may kanser sa hulingtatlong buwan ng kanyang buhay.
Ang Pagdadalaga ni Maximo Oliveros- istorya ng isang baklang naipit kung sino nga ba ang kanyang poprotektahan, ang kanyang pamilyang puro magnanakaw o ang isang binatang pulis ng tumutugis sa mgamagnanakaw.
Boses- Isang kwento ng mabuting pagkakaibigan ng isang violin teacher at ng batang minaltrato ng kanyang ama. Kanilang malalaman ang kahinaan at kalakasan ng bawat isa sa pamamagitan ng pagtugtog ng violin.
Brutus- Dalawang batang Mangyan ang inarkilahan ng mga illegal loggers upang kumulimbat ng mga kahoy sa gubat ng
Concerto- Kwento ng pakikipagkaibigan ng isang pamilyang Pilipino sa mga Hapon noong ikalawang digmaang pandaigdig.
Huling Pasada- Isang manunulat ay gumagawa ng kwento tungkol sa isang taksi driver na nagsisilbing ama sa isang batang lansangan. Habang minamatyagan niya ang taksi driver at sa kanyang ugnayan sa bata, makakahanap siya ng bagay na hindi niya inakalang makikita niya.
Inang Yaya- Ito ay kwento ng isang ina na mararamdaman ang pagmamahal ng dalawang anak- ang kanyangtunay na anak at anak- anakan
Kubrador- Kwento ng isang kubrador sa jueteng. Ang kwento ay hindi lamang umiikot sa jueteng. Tinatalakay dinnito angpang-araw- araw na buhay ng mga pangkaraniwang mamamayan.
Magnifico- Ito ay kwento ng isang batang kinulang sa talino ngunit maabilidad. Umikot ang kwento sa pagiging maabilidad niya upang malutas ang pangangailangan ng kanilang pamilya.
Masahista- Ito ay tungkol sa isang batang masahista na bukod sa pagmamasahe ay nagbibigay din ng panandaliang aliw
Tema ng Independent Films
Hindi katulad sa mga pelikulang ginawa ng mga production companies, ang mga independent films ay gawa sa hindi limitadong imahinasyon ng mga manunulat. Dahil nga sa wlang limitasyon sa kung saan ang pwede nilang isapelikula, madami sa mga independent films ay namumulat sa kamalayan ng mga Pilipino, at sa mga simpleng bagay lamang- mga simpleng bagay na kapupulutan natin ng aral.
Mas pinagtutuunan din ng mga independent film ang mga isyu sa lipunan sa mas alternatibo at simpleng paraan.
Cinemalaya
Mula sa Inquirer.net, sa pag- usbong ng industriya ng Philippine independent films, naitatag ang Cinemalaya. Isang paligsahang pampelikula ng mga independent film na naglalayong maipakita ng mga bagong director ang kanilang pagkamalikhain sa paggawa ng pelikula. Sa pagkakaroon din Cinemalaya, naipapakilala ng husto ang mga independent film sa kamalayan ng mga manonood.
Noong unang magtampok ang Cinemalaya noong 2005, 8000 katao ang nanood. Habang noong 2005, 12000 ang nanood. Noong taong 2006, halos 23000 ang nanood at tuluyang umabot sa 26900 katao sa pinakahuling pagtatampok nito.
Sa tagumpay ng apat-nataong- gulang na pampelikulang paligasahan,bawat taon, nadaragdagan ang interes ng mga manonod.
Sinasabi rin ng mga eksperto sa pelikula na may pag-asa na mas lalo pang umusbong ang industriya ng independent film kung pagbabasehan ang bilang ng mga manonood.
Paraan ng Pagpapalabas
Ayon sa mga direktor, upang maipakilala sa madla ang kanilang mga gawa, sila ay nagpupunta sa mga paaralan kung saan kanilang ipinapakita ang kanilang ginagawa. Hindi gaanong kadalas may naipapakita sa mga patalastas sa telebisyon dahil kulang sila sa pondo. Sa mga sinehan naman, bilang pagtulong sa industriya ng independent film, inilunsad sa loob mismo ng Robinson’s Galleria ang IndieSine, isang alternitabong sinehan na tiyak pupuntahan ng mga mahilig sa independent films
Plano ng Lokal na Sektor
Upang lalong mapag-igting ang kamalayan ng publiko sa independent film, nagkaroon ng pagpupulong ang Film Development Council of the
Tugon ng mga dayuhan
Hindi na kailangang mag-alala pa ng mga mga prodyuser ng mga independent films hinggil sa pondo upang magawa ang kanilang mga proyekto. Mula sa mga banyagang palaginang tumutustos sa paggawa ng pelikula ay sineseryoso na ang kanilang gawain. Ayon sa mga eksperto, ang gawaing ganito ay bunsod ng mga magagandang independent films na ginawa ng mga batang director sa Pilipinas.
Independent Films at Ibang Pelikula
Bagamat dunaramiang bilang ng idependent filmsna ipinalalabas bansa, kaunti pa rin ang nanunood samga ito kung ikukumpara sa ibang pelikulang ipinalabas. Mas madaming nanunuod sa mga pelikulang gawa sa
Mga Karangalang nakuha ng Independent Films
Kubrador:
FIPRESCI Award-
Best Picture, Best Actress at ikalawang FIPRESCI Prize- Osian-Cinefan International Film Festival,
Cinemalaya International Film Festival LINO BROCKA AWARDEE
Ang Pagdadalaga ni Maximo Ovieros:
Best Foreign Film Nominee sa Independent Spirit Awards 2007
Best Feature Film sa
Teddy Award Recipient sa 2006
Best Picture sa Gawad Urian Award 2006
Best actor (Nathan Lopez) Las Palmas Film Festival,
Golden Lady Harimaguada Award- Las Palmas Film
atbp. Ang mga ito ay ilan lamang sa mga independent films na nakakuha ng mga karangalan sa loob at labas ng bansa.
Ikatlong Kabanata: Ang Pangwawakas
A. Pagsusuri sa Datos na Nakalap
Batay sa mga nakalap na datos, napagtanto ng mga mananaliksik na ang pagyabong ng pelikulang Pilipino ay nakasalalay din sa kondisyong pang- ekonomiya ng mga taumbayan. Kung may krisis na pang- ekonomiya, ang demend sa panunuod ng sine ay bababa at dahil ganoon ang nararanasan ng karamihan, ang pelikulang Pilipino ay unit- unti nang namamatay.
Masasabi namang sumasalamin sa katauhan ng mga Pilipino ang mga independent films. Dahil sa krisis pang -ekonomiyang nararanasan ng marami ngayon, lumabas ang pagkamalikhain ng mga Pilipino. Kahit na nasa gitna ng pagsubok ang ating bayan, hindi pa rin napigilan ang ilan na gumawa ng pelikula gamit ang mga abot- kayang kagamitan. Dahil sa pangyayaring ito, isinailang ang independent films. Ang pelikulang ito ay ginamitan ng mga kagamitan na hindi kasing mahal tulad ng ginagamit ng malalaking production companies.
Sa kabilang dako, ang independent films ay may mas liberal na tema kaya nasusungkit nito ang karamihan sa mga gawad mula sa iba't- ibang bansa. Marami ring na- engganyong gumawa gumawa ng indie film dahil na rin sa pagtatatag ng Cinemalaya, isang paligsahang pampelikula ng mga independent film at iba pang programa. Dito nag-uugat ang unti-unting pag- usbong nga ng nalulugmok na industriya ng pelikulang Pilipino.
B. KONKLUSYON
Totoo na ang mga independent films ay nagpapayabong ng pelikulang Pilipino, pagkat sila ang mga nakakamit ng mga gantimpala mula sa ilang sikat na internasyunal na organisasyon ngunit nakasalalay din ito sa mga Pilipino kung sila ba ay susuporta o hindi.
C. REKOMENDASYON
Batay sa mga kinalabas at ng konklusyon ay iminumungkahi ng mga mananaliksik ang mga sumusunod.
1. Dapat gumawa ang ibang susubok na mananaliksik ng pagsusuri ukol sa mga pelikula na gawa ng mga malalaking production companies nang sa gayon ay maihambing ng mga mambabasa ito sa mga independent films.
2. Maaaring magpanayam ang ibang mananaliksik ng mga personalidad na may diretsong kinalaman sa paglikha ng mga independent films
3. Maaaring ihambing ng mga susunod na mananaliksik ang indepedent films ang ibang bansa sa mga independent films na yari dito.
4. maaari rin nilang lapatan ng teorya ang pagsusuri ng mga independent films.
5. Dapat maghanap ng mga estatistikang datos ang mga susunod na mananaliksik ukol sa dami ng taong nahuhumaling sa mga independent films kumpara sa mga pelikulang gawa ng malalaking production companies.
Mga Sanggunian:
www.inquirer.net
www.iht.com
gmanews.tv
abs-cbn.com
youngfilmmakers.multiply.com
www.wikipilipinas.com
www.wikipedia.com
www. monstersandcritics.com
www.filmmakermagazine.com
www.pinoyblogosphere.com
www.insidefilm.com